Friday, September 24, 2010

Salot ng Kalikasan!


"Salot ng Kalikasan"!

Araw ng unang anibersaryo ni "Ondoy"!

Ngayon po ay Setyembre 26, taong 2010, isang taon na simula ng dumanas tayo ng napakalupit na ganti ng ating kalikasan. May nagawa na ba tayong paghahanda para hindi na maulit ang maramihang pagkamatay ng ating mga kababayan, alam namin na mayroon na tayong mga inihandang sulusyon katulad ng mga maliit na banka o mga life boat, life vest, at mga pagsasanay para sa oras ng kalamidad, maari nga sigurong handa na tayo sa darating na mga kalamidad.....pero nakapaghanda ba tayo para huwag na tayong pinsalain ng ating kalikasan?

Palagay po ng pamunuan ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay wala pa din tayong naging paghahanda dahil patuloy pa din ang mga paninira ng ating kalikasan, tumingin po kayo sa inyong kapaligiran, dami pang basura ano po.....na nagiintay ng trak na hahakot papunta sa land fill o imbakan ng basura.....

Parang biglang nawala sa ating isipan ang tone-toneladang mga basura ang kasama ng mga tubig na galing sa mga kabundukan ang kumitil ng buhay ng libo-libo nating kababayan sa araw ng Setyembre 26, taong 2009.....kaya bang pigilin ng mga inihanda ninyo ang mga bagay na ito?

Tayo bang mga Pilipino ay nabibilang sa "Panahon ng mga Tanga" o "Age of Idiots" dahil hindi natin napaghandaan ito......tatlong daan at animnapu't limang araw na nagdaan ay wala tayong nagawa para dito......ang ihanap ng tamang solusyon para huwag ng magalit ang ating kalikasan......

Sa mga sandali na nagsasalita ako sa mga pagtitipon tungkol sa usapan sa "Global Warming" ay magka-minsan ay naitatanong ko sa grupo, may isip ba ang ating kalikasan o wala......walang sumasagot ng wala pero mangilan-ngilan lang ang nagsasabi ng mayroon.....pero ang tamang sagot ay mayroon dahil nakikinig siya sa ating "DIYOS" kung kailangan na ninyang gumanti dahil sa nakikita ng ating "DIYOS" ang mga ginagawa nating paninira sa mga bagay na ginawa niya na para din sa atin.....

Maraming Pilipino ang nagsasabi na mahal at sinusunod nila ang "DIYOS" pero bakit sila din ang sumisira ng ating kalikasan, bakit nga ho, dahil ba sa pera.....na kahit na magkamatayan ang kanilang kababayan ay walang problema dahil mas mahalaga naman ang pera......

Daming relihion, daming foundation, daming club, daming organisasyon ang may pera, pero may proyekto ba sila na nakatulong para huwag ng magalit ulit ang ating kalikasan, wala naman po hindi ba.......liban sa minsan isang taon kung kumilos, pagpatay ng ilaw, para-parada, paglilinis ng ilog na kumukuha ng boluntaryo, ng dagat, fun run, tanim ng puno, at kung ano-ano pa na makakatulong daw sa ating kalikasan.....pero may nabalitaan na ba kayong pumunta sa mga dumpsites at tulungan ang mga tao doon at turuan na hindi sila mabubuhay ng tama kung pangangalaykay lang ang ikabubuhay....gayundin ang pagbibigay ng livelihood sa kanila na bigyan ng halaga ang lahat ng basurang makikita nila.....mayroon po ba noon, wala naman po di ba?

Bakit ba ang pamagat ng blog natin ngayon ay "Salot ng Kalikasan", kasi po mas madali itong intindihin, ang original na title na inumpisahan ko kahapon ay "Ang unang Anibersaryo ni Ondoy", kaso kahapon din ay may sumulat sa akin sa facebook na sinasabing:

"Hindi mo kayang pigilin ang climate change.. gago lamag ang naniniwala na kaya nilang kontrolin ang tindi ng sikat ng araw.. magaral ka atronomy at cosmology muna bago ka gumawa ng blog sori....we have a solar flare cycle..."

Ito naman sagot ko sa kanya: Salamat ho, sa iyong paniniwala, talagang gago lamang ang naniniwala na kayang kontrolin ang sikat ng araw, at ako napag- aralan ko na yang sinasabi mo, at nasa panahon lang ng mga tanga ang hindi naniniwala na tao ang may gawa ng pagkasira ng kalikasan! Sumali kayo sa "Join the Fight to Stop Global Warming" at marami doong kapanahunan ninyo!

Hindi ko man dineretso na siya ay isang tanga o nagtatanga-tangahan pero sigurado ako sa taong ito ay isa sa mga pumutol ng mga punong-kahoy sa loob ng Subic dahil taga-Olongapo siya at nasaktan yata sa sinundan nitong blog na may pamagat na "Is Global Warming a Hoax?" na nai-post ko sa kanyang wall, dahil ang katwiran ko naman kaibigan ko siya sa facebook at malaman naman ng mga kaibigan ko ano ba ang layunin ng aking "Foundation" na isa ko palang pagkakamali dahil nandito sa facebook ang mga "Salot ng Kalikasan"!

Yung isa katawa-tawa daw ang ginagawa ko, kaya dalawa na silang "Salot ng Kalikasan" sa facebook, di ko alam kong anong klaseng mga tao ito o hindi tao?

Tayo o ang daigdig ay tuldok lang sa kalawakan, at kahit na ano ang gawin natin ay hindi natin mapipigil ang pag-init ng sikat ng araw.....pero tayong mga tao ay may karapatang pigilin ang mga sumisira ng ating kalikasan....iyan ang tunay na kahulugan ng "Stop Global Warming" na binibigyan ng ibang kahulugan ng mga salot ng kalikasan!

"Kagaguhan" at "Katawa-tawa" ba ang gingagawa ko na inumpisahan ko noong july 16, 2000 dahil sa awa ko sa daan-daan kong mga kababayan kong natabuhan ng mga basura sa "Payatas" at umisip ng mga paraan para malabanan ang lumalalang sitwasyon ng paninira ng ating kalikasan....na naulit na naman noong Setyembre 26, 2009, ang mga basurang sumama sa tubig ang siyang isang dahilan bakit marami tayong namatay na libo-libong kababayan......wala naman akong inisip na pigilin ang sikat ng init ng araw......saan kaya nakuha ng mga tanga o nagtatanga-tangahang ito yung pigilin ang sikat ng araw, binibigyan nila ng ibang kahulugan yung "Stop Global Warming" dahil nga tanga sila o nagtatang-tangahan!!!!!!!!!

Sa International discussion sa "Join the Fight to Stop Global Warming", napakarami ditong nagtatanga-tangahan, pero pag tinanong ko na kung "Sila ba ay taong may pakiramdam at damdamin sa nangyayaring pagkamatay ng mga tao at pagkalipol ng mga hayop sa buong mundo dahil sa pagkasira ng kalikasan ay wala ng sumasagot na nagtatanga-tangahan, liban na lang sa mga kakampi ko na naniniwala sa akin.....

Sa paglabas ng "Stop Global Warming Organization" sa America na nataon namang nandoon ako noong taong 2005, ay sumali at pinag-aralan ko ang mga ginagawa nila, at wala din silang sinasabing pipigilin nila ang sikat ng araw, liban sa iparating sa kanilang gobyerno na dumarami ang nahi-heat stroke na hindi naman naman nangyayari noong mga nakaraang taon, at ang mabilisang pagkalipol ng mga hayop sa kagubatan na gusto nilang maproteksiyunan, at humihingi sila ng tulong sa gobyerno na magbawas ng kanilang mga gas at CO2 emission......yun lang....bakit kaya binibigyan ng ibang kahulugan ng mga nagtatanga-tangahan?

Sa mga makakabasa ng blog na ito, mangyari pong paki-share na din po ito sa inyong mga kaibigan, at harinawa makarating sa dalawang tanga o nagtatanga-tangahang mga ito, tinangal ko na kasi sa list of friends ko sila, ayokong lumala ang sitwasyon sa pagitan namin, sa pagitan ng isang "Makakalikasan" at dalawang "Salot ng Kalikasan", dahil sila ay "Pilipino" ding katulad ko!

Sa susunod po naming blog ay ang paanyaya ng mga magiging bagong miyembro ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc., lahat po ay puwedeng sumali dito, huwag po ninyong ipagkamali na "GUARDIANS" lang na may tattoo ang puwede dito, open o bukas po sa lahat ng "Pilipino" at may "Dugong-Pilipino" sa buong mundo ang gagawin naming paanyaya.....gayahin natin yung GuardiansUK..International Organization po ito..

Pagtulong-tulungan na po natin ang pagsasalba sa ating namamatay na kalikasan gamit ang aming mga teknolohiya....na ituturo namin sa inyo.....gawin na natin ang mga batas pangkalikasan....at sundin na din ang isang grupo kong ginawa sa facebook at tagged, ito po yung "Save Our Nature Physically and not by Networking"....salamat po sa lahat ng nagbasa.....GOD Bless!

Jaime Leandro F. Reyes
Chairman & CEO - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.

No comments:

Post a Comment