Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.

Loading...

Thursday, September 23, 2010

Is "Global Warming" a hoax?




Is "Global Warming" a hoax?

Ang sinasabi ba na "Patuloy na pag-init ng Panahon sa Mundo" ay panloloko lang?

Maraming tao sa buong mundo na nagpipilit pa din na sabihing ang "Pag-init ng panahon sa mundo" ay tanging panloloko lang at walang katotohanan. Ito daw ay ipinapakalat para daw tumaas ang mga binabayad na buwis ng mga tao para ito ay makontrol o mapigil, at laging sinasabi na ito ay pakana lang ng mga politiko, mga relihiyon,at kung sino-sinong mga taong gustong "Magka-kuwarta" gamit ang issue o balitang ito.

At gayundin ang mga walang habas na mga namumutol ng puno sa kagubatan, mga minero, mga doktor, mga nagtatanim ng mga prutas at gulay na gumagamit ng kemikal, mga salaula at mga baboy sa kapaligiran, mga walang pakundangang na mga tao na basta na lang magtatapon ng mga may lasong kemikal sa mga kailogan at karagatan, mga enhenyerong gumagawa ng landfill o imbakan ng basura, at marami pang mga tao na nabibilang sa "panahon ng mga Tanga" o "Age of Idiots".......sila at wala ng iba ang nagsasabi na katarantaduhan at kalokohan lang daw at tanging pangloloko lang ang "Global Warming" o "Pag-init ng Panahon" dahil ang mga nangyayari daw na mga kalamidad ay natural na kalamidad at walang makakapigil nito.....

At sabi pa ng ilang magagaling, there is no such "Man made global warming' kaya siguro ang tingin nila, mga asong gubat ang nagpuputol ng troso sa gubat, mga hayop ang mga nagtatanim ng hindi organiko, yung mga nagpapakawala ng usok sa pabrika, yung tuloy-tuloy na paninira ng kalikasan, pagtatapon ng mga kemikal sa ilog at dagat na mabilis na magpakalat ng duming nakakasira ng hangin, yung mga nagbobomba ng usok para daw mawala lamok, yung mga gumagawa ng pamatay ng sunog (Ito ang grabe), at marami pang mga ginagawang bagay na nakasisira ng kalikasan, ang mga ito ba ay hindi tao....sabagay baka mga hayop nga pala ito ano po?

Isang bagay lang ang tiyak....sirain mo ang kalikasan at tiyak magbabago ang klima, at pag sinabi mong nagbago ang klima, ito ay ang mabilisang pag-init, kaya may global warming na sinasabi..... na pinipilit bigyan ng ibang kahulugan ng mga nagtatanga-tangahan.....dahil maapektuhan ang kanilang mga ginagawa....kung anuman iyon....tiyak na nakasisira ng ating kalikasan....

At may mga nagsasabi din na gago lang ang mga naniniwalang mapipigil ang init ng araw at cycle daw iyon....pero ang hindi alam ng mga nagtatangangahan, totoo ang sinasabi nila na hindi mapipigil ang init ng araw pero magagawa nating katamtaman ang init at hindi susunog ng balat ng tao kung tutulungan nating manatili at huwag puksain ang kalikasan....

At ang masakit pa, katawa-tawa daw ang aking o aming ipinaglalaban at ito po yung "Stop Global Warming", na inumpisahan ko noong taong 2005 sa America....tignan po ninyo yung mga larawan sa itaas, mga mamamayan ang mga iyan, di sila politiko, walang relihiyon na dinadala, concern o may halaga lang sa kanila ang "Stop Global Warming" dahil sa dumarami ang mga napipinsala ng "Heat stroke" sa kanilang bansa, nakakatawa ba sila o nakakaawa?

Ang mga taong nagtatawa sa amin ang may pagkakamali at napakalaking pagkakamali na kanilang ginawa sa buong buhay nila....dahil pag sinabi mong natural na kalamidad iyang mga pangyayaring katulad ng nangyari sa "Ondoy" ay masasabi mo na walang kinalaman ang ating kalikasan......kaya ang dapat ay kailangan na natin siyang wasakin, babuyin, salaulilain, lapastanganin, murderin, patayin, lasunin, at magtayo pa tayo ng napakaraming tambakan ng basura, at isip pa tayo ng makasasama sa kalikasan dahil may pera dito.......dahil kalokohan lang pala yang "Global Warming" at ipagpatuloy natin ang ating ginagawa dahil nandito ang pera at hindi tayo yayaman kung wala ito, ano ba yang libo-libong taong namamatay sa mga pinaggagagawa natin, bayaran kung nakamatay tayo, at kung magkasakit bahala sila sa buhay nila, wala tayong pakialam, gayun lang kasimple.....

Pero sa palagay ninyo ba, kaya kayong pagalingin ng inyong pera kung kayo naman ang magkakasakit dahil sa mga pinag-gagawa ninyo, at madadala ba ninyo ang limpak-limpak na pera sa pagkamatay ninyo......sasabihin ninyo ngayon, iiwan ko naman yan sa mga anak ko na mga mahal ko, madadamay na nga ang anak mo e, saan mo pa ibibigay, puwede ba yan sa langit na pansuhol para huwag kang sa impiyerno mapunta...labong mangyari ano po....?

Napakahirap lang kasing paliwanag sa mga nabibilang na mga "Tangang Tao" o nagtatanga-tangahang tao, paano ba natin mapipigil ang pag-init ng panahon e panahon nga yan o klima at sadya talagang nangyayari.......

Pero kung makikinig kayo sa akin o sa mga kasama ko sa ating "Foundation".....ay simple lang ho......at kung mapapasunod natin ang lahat ng mamamayan ng ating bansa, para gayahin naman tayo ng ibang bansa, ganito lang ho kasimple...... "Back to Basics"!

Ang pagbabalik sa mga unang natutunan natin simula ng ang mga magulang natin ay isilang, dahil nandito sa mga panahong iyon ang magbibigay ng solusyon at makapipigil sa patuloy na pag-init ng panahon, at ang pag-gawa ng mga alternatibong hindi makasisira ng kalikasan at kalusugan, iyan ang mga ituturo ng ating "Foundation" sa ating mga kababayang may pagpapahalaga pa sa ating kalikasan at mamamayan.......at kung ayaw ninyong maniwala sa amin dahil kalokohan lang ang "Global Warming", ay sabay-sabay na lang nating intayin ang sobrang kainitan ng panahon na hindi na kakayanin ng ating katawan at patuloy na mga trahedya dahil sa mga sinisirang kalikasan......

Sumunod na ho tayo sa isang nagawang batas sa ating bansa na naglalayong "Ang lahat ng sangay ng gobyerno at mamamayan ng Pilipinas ay magkaisa at ilabas ang kanilang mga kagalingan, kakayahan, at responsibilidad sa pagharap sa pagbabago ng klima", walang sinasabi dito na magdagdag tayo ng buwis sa pamahalaan...... sa pagtulong sa ating Foundation, mababawasan pa ang inyong mga buwis......

GOD Bless po sa lahat ng nagbasa!

Jaime Leandro F. Reyes
Chairman - GSGWFI

Paunawa: Sadya pong "Wikang Filipino" ang aming ginagamit sa aming mga artikulo dahil ang mga gusto naming magbasa ng ating mga blog ay mga purong "Pilipino", sa paniniwalang ang ating bansa ang lubos na naaapektuhan ng pagbabago ng klima, kung gusto po ninyo ng "English" na salita ay sumali po kayo sa "Join the Fight to Stop Global Warming" sa facebook at makikita din po ninyo ang aming grupo na nakikipag-usap sa mga "Nagtatanga-tangahang taga-ibang bansa" tungkol sa "Global Warming"!

Ang aming susunod na blog na ilalabas sa anibersaryo ng "Ondoy" ang tungkol sa paanyaya ng "Pagmimiyembro sa ating "Foundation", huwag sanang balewalain ng ating mga kababayang "Pilipino" ang paanyayang ito!

Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.


No comments:

Post a Comment